Pahapyaw na Kasaysayan
Pormal na itinatag ang Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino IV-B (PSWF, IV-B) sa Palawan State University (PSU) nang lagdaan at pagtibayin ang Kasulatan ng Kasunduan sa pagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ng PSU noong ika-14 ng Agosto, 1995 sa pamamagitan ni Dr. Ponciano B. P. Pineda, Tagapangulo ng KWF at Dr. Crispiniano R. Acosta, Pangulo noon ng PSU.
Ang KWF ay isang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas na itinatadhana ng Batas Republika Blg. 7104. Ang Kasulatan ng Kasunduan ay muling nilagdaan noong ika-6 ng Hulyo, 2001 nina Dr. Nita P. Buenaobra, Komisyoner at Dr. Teresita L. Salva, Pangulo ng PSU at noong ika-25 ng Hulyo, 2012 sa pagitan ni Kom. Jose Laderas Santos, Tagapangulo ng KWF at Dr. Jeter S. Sespeñe, Pangulo ng PSU.
Mga Aktibidades
Ang PSWF IV-B ay nakapagsagawa na ng pananaliksik patungkol sa mga Katutubong Kultura ng mga Agutaynen at ang Kaugnayan sa Kanilang Pamumuhay, Kalipunan ng Katutubong Panitikan ng mga Molbog.
Ilan sa mga Intellectual Property Rights na nakamit ng PSWF IV-B ay ang paglalathala nito ng Trilingual Dictionary ng mga sumusunod: Ingles – Pilipino - Cuyunon; Ingles – Pilipino - Agutaynen at; Ingles – Pilipino – Cagayanen. Maliban sa mga diksyunaryong nabanggit ay ang mga Sagisag-Kultura ng Palawan (Cultural Icon).
Kasama din ang PSWF IV-B sa balidasyon sa Deskripsyon at Distribusyon ng mga wika sa Palawan. Ito rin ay naging katuwang sa pagsalin sa Filipino ng JOINT MANIFESTO ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at ng Palawan State University hinggil sa DECLARATION OF THE PROVINCE OF PALAWAN AS A ZONE OF SUSTAINED PEACE, DEVELOPMENT AND PROSPERITY
Ang PSWF ay patuloy na nagsasagawa ng pananaliksik at pakikipag-ugnayan sa KWF, National Commission for Culture & the Arts (NCCA), Department of Education (Dep Ed) at National Commission on Indigenous People. sa KWF, National Commission for Culture & the Arts (NCCA), Department of Education (Dep Ed) at National Commission on Indigenous People.